Recent Wonders

Takang taka ako

Sunday, September 18, 2011

SARO <----



Nagtataka ka ba kung bakit SARO ang title? , pwes mali ang basa mo... haha! di joke lang.
ORAS kasi yun.... Oras na pabalik (rebus ba).


            Oras, Lagi na lang tayong kulang sa oras. Laging nagmamadali. Laging naghahabol. Bakit nga kaya ganun? May mga bagay na nangyayari sa maling oras wrong-timing sabi nga nila. Kapag ayaw mo na "time-out" naman. Sa laro namin nung bata kapag tinatawag ako ng lola ko habang naglalaro kami ng langit at lupa sisigaw lang ako ng  "Taym pers muna!" wala ng tataya sa akin. astig diba? ang galing ng ORAS? .


           Ang oras patuloy lang sa pagtakbo ng walang katapusan, consistent at walang makakapag "pause", walang nakakaalam kung kailan nagsimula at kailan magtatapos. ORAS. ang oras ang pagitan ng dalawang pangyayari. Ang oras ang na lagi nating hinihiling na ibalik. Ang oras ang ating sinasabayan sa pagalaw. Oras na batayan ng ating pagtanda. Oras na nagsasabi ng oras at gabi. Ang oras ang tinitingnan mo sa iyong braso kahit na minsan nakalimutan mo ang iyong relo, pero gaano nga ba kahalaga ang oras sa iyo?


           Sabi ng nanay ko gagraduate na lang daw ako ng college hindi pa ako marunong ng time management. Napaisip tuloy ako kung gaano nga ba talaga kahalaga ang oras sa buhay ko. Gusto ko man gumising ng maaga, nakailang beses na akong nangako sa sarili ko na hindi na ako malalate pero hindi pa din effective. Lagi na lang akong naghahabol. Ang panget ng feeling. Lagi akong nangangarap na sana meron akong teleportation powers para makarating agad ako sa pupuntahan ko. Nung bata bata ako, kapag nakasakay ako sa jeep at late na ko tinititigan kong mabuti yung driver at feeling ko nakokontrol ko yung utak nya at kunwari ako na yung nagkokrontol ng steering wheel para lang mapabilis kunwari yung jeep. Ganun ako kapag nalalate. Ilang beses kong pinagsisihan na sana gumising ako ng maaga wa effect. Haayy.. ako'y isang tunay na PILIPINO. wala kasi akong wrist watch eh.. haha. ako nga naman. Ang oras na ngayon ay 2:14 am. isang minuto nalang 2:15 na. madaling araw na. at kailangan kong gumising bago mag -alas kwatro para pumunta sa aming main campus at 6 am. Finals na. Madaming projects. Madaming dapat gawin. Nagrurush na ang halos lahat ng estudyante. Pati ako.


          Ang oras hindi na natin maibabalik, lalong hindi natin mapapabilis (pwera na lang kung nakaimbento ko na ng time machine na effective and tested). Hindi naman kailangan sisihin ang oras sa mga bagay na tayo mismo ang nagkamali. Time keeps us going. At kung hihilingin natin na bumalik ang oras tayo din ang hindi makakamove on. Ang magagawa natin ay sabayan ang bilis ng oras. every second is a unique one. kahit kailan hindi na maibabalik. Yung kaya mong gawin ngayon gawin mo na. Mamaya pa, pwede naman ngayon. Pero hindi ibig sabihin pagsabay sabawin mo lahat ^_^. Isa ka lang at isa- isa lang. Baka bukas biglang tumigil ang oras. Walang nakakaalam kaya. BAWAL MA-LATE. (upu... sana ay hindi na nga talaga ako malate.)


Quote of the Thought: 
"Time is what we want most, but.... we use worst" - Tennessee Williams


         ps. any topic for poem?
         goodnight lovely folks
         GOD SPEED
         ^_^


        

Friday, September 16, 2011

Simple.... ImpoSimple

SIMPLE ................
            Sabi nga sa aming OperatingSystem subject "Simple As Possible". Siguro sinasabi ng tatlong salitang to na gawing simple lang ang mga bagay-bagay, pero hindi naman talaga maiiwasan diba?, namagmukhang kumplikado at mahirap ang isang bagay lalo na kung "wala kang alam" tungkol dito.
            Magsisimula ang kwento ko dito. ^_^. Ahhmm.. Ang mga Pilipino lalo na ang mga munting bata na nagsisimula pa lang sa grade one at mas madalas pang maglaro sa kalye ay napakahiligmagbugtong.Hindi ko alam kung uso pa to ngayon, pero nung bata ako tuwang tuwa ako kapagnakakasagot ako ng bugtong, tapos ako naman yung magpapabugtong sa mga kalaro ko. Ganoonlang ang takbo ng laro.Magbubugtong ako, sasagutin mo, kapag hindi mo na alam edi. "Sirit na!".Kapag sirit ka na, ayun suko ka na at ibibigay ko na ang sagot atsaka ka manghihinayang na ganun langpala kasimple ang sagot. Nagpakahirap pa, eh madali lang naman pala.



           Ganoon nga talaga siguro tayo (o baka ako lang?). Kapag madami na tayong alam tungkolsa mundo, wala ng simple para sa atin, lahat bongga, kailangan pagdaan ang napakadaming proseso.Parang sa bugtong , ang una mong maiisip na sagot ay yung pinaka kumplikadong bagay. Pero meronpalang mas simpleng bagay na naglalarawan sa description na sinabi ng bugtong. 
            Basta, para pasimplehan ang mga bagay - bagay. Katulad lang yan sapagpili ng damit. Kung may kakayahan ka, pipiliin mo yung pinakamaganda at sophisticated ang design, pero kung simpleng tao ka, pipiliin mo yung t-shirt at maong lang. Simple lang. Pareho pareho lang naman silang damit. Basta nakakatakip ng mga bagay- bagay na dapat takpan. ^_^


Riddle na pinagmulan ng topic na to:
Riddle na hindi ko masyadong napag-isipan:
Riddle na hindi ko naisaalang-alang yung mga tinuro sa akin:
Riddle na huli na nung narealize ko yung tamang sagot.
Isang simpleng riddle, na magsasabi ng personality mo.


It is greater than God and more evil than the devil. The poor have it, the rich need it and if you eat it you'll die. What is it?
_ _ _ _ _ _ _ 
Hindi ganyan exactly, pero feeling ko hawig sila, na paraphrase lang siguro, i'llpost it kapag bumalik na sya sa akin. ^_^

Wednesday, September 14, 2011

Masayang Mahirap

Sige na naman !!!


      Ang hirap talaga ng buhay sa Pilipinas. Ang hirap makahanap ng pera. Kapag wala kang pera, hindi ka makabili ng pagkain. Kapag wala kang pagkain lalo kang hindi makakilos para makahanap ng pera. Kapag hindi ka na makakilos lalo ka pang magkakasakit. Tapos wala ka pa ding pera. Sa lahat ng oras kailangan ng PERA.!

        Sa simpleng college student na katulad ko, hindi din maiwasan na hindi problemahin ang pera na yan. Idadag dag pa sa santambak na project , assignments at review sa nalalapit na finals. Sa bawat galaw mo kailangan na pera. Papunta sa school  - pamasahe, pag gutom - pambili pagkain, magpapaphoto copy - piso, pa-print- lima, sampu kapag may picture, pang pawi sa napapanis mong laway - dos para sa tatlo, hindi nga lang dos eh, piso isa na candy ngayon. At pati nga pala ang klase ng TF na kami ang nagbabayad. Na lagi nalang nakakastress sa tuwing darating ang examinations. Haay, pera nga naman. Ang sistema ng pera. Hindi ka pwedeng mabuhay ng hindi humahawak ng maduming pera.

           Oo, katulad mo din ako. May problema sa pera. Actually hindi naman big deal sa akin ang pera (nakakalat nga lang sa amin ung supot supot ng bentsingko haha) , but it's a very big big deal ! . nalalapit na ang pagdildil ng asin kapag hindi pa ako kumilos. Read my posts... Kung merong magpapatawa sa inyo sa post ko, tumawa kayo. Kung merong magpapainis, mainis kayo. At higit sa lahat kung nakuha ang interes nyo balik balikan nyo. Wag nyo na din kalimutan iexplore ang mga aalialigid na "Ads".. Click nyo lang yun sobrang laking tuwa na nun sa akin.

              Advice ko lang. Kung gusto mo din ng pera. Try mong gumawa ng blog. Hindi naman masama kung subukan. tapos mamamasyal din ako sa blog mo. Basta ibigay mo lang ang direksyon. ^_^
          


MAHIRAP = PERA pero PERA = YAMAN  at YAMAN = SAYA therefore MAHIRAP = SAYA.. masaya maging mahirap basta ieenjoy mo ito.
“If you want to feel rich, just count the things you have that money can't buy”
  source 

Monday, September 12, 2011

Ningas-Kugon [Right to Write]

Hindi ako mapakali...... 
Naisip ko na namang baguhin ang interface ng "ningas-kugon" kong blog.
Inspired na naman akong magblog dahil sa nakakainspired kong instructor kanina.
at for the nth time ay i-reborn ang blog na ito.

Ang gusto ko lang naman talaga kasing mangyari
ay magsulat.
Magpipindot sa keyboard ng aming computer na may malaking monitor.
Magsulat ng mga salitang magpapangiti at magpapaisip sa mga kaisipang walang maisip.
Ihayag ang lahat ng lalabas sa aking magulong utak.
Atsaka babasahin ng aking mata at bibigyang tunog ng aking bibig.
Kung kaaya aya pakinggan ito'y mananatili.
Ngunit kung masagwa sa pandinig ay buburahin sa ala ala at magiisip ng iba.

Pero bakit nga ba sa una lang?
Dalawang linggo ang pinakamatagal na mayat mayang pagbisita sa blog na ito.
Pagkatapos niyon ay hindi man lang maalalang tingnan kahit ang statistics ng "visitors" nito.
Ningas kugon ba ang blog? 
O ang taong nagmemaitain nito?
Ikaw! O, ikaw nga?
Bakit ka ningas-kugon?
Sa una ang sipag sipag mo, pero sa isang linggo halos hindi mo na maalalang gawin?
Sa una ang ganda, pero malalaspag din.
Sa una masaya, pero sa huli mawawalan ng gana.
Hanggang sa makalimutan mo na minsan ka nga palang naging masipag at matyaga sa ginagawa mo.
Ah teka!, bakit nga pala ikaw ang sinasabihan ko?
Ako nga pala ang may- ari ng blog na to.
Oo nga pala.
Responsibilidad ko ang blog na ito.
Nasa akin ang lahat ng karapatan kung anu man ang gagawin ko sa blog na to.
Kaya bakit ka ba nakikialam?
blog ko nga to diba?

Kumbinsido ka na ba sa sinabi ko sa 2nd stanza?
At ito nga ang sintemyento ko sa mismong oras na to.
Nang maupo ako dito, hindi ito ang nasa isip ko.
Basta na lang dumaloy ang mga salita na lumalabas sa magulo kong isip.
Kahit ako man, ay naguguluhan sa aking mga pinagsasabi.
Ang mahalaga ito'y aking nailabas.
Nagpasaya sa aking isipan at sana'y pati na din sayo.
Ganoon lang.
Ganun lng.

Sana ay patuloy kang magbasa.
Ng kahit ano, sa kahit saan.
Huwag mong hayaan na maging ningas kugon ka.
Magigin mas masaya, kung hanggang huli ay masaya ka.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Tree of IDEAS and THOUGHTS Copyright © 2008 Black Brown Pop Template designed by Ipiet's Blogger Template