Hindi ako mapakali......
Naisip ko na namang baguhin ang interface ng "ningas-kugon" kong blog.
Inspired na naman akong magblog dahil sa nakakainspired kong instructor kanina.
at for the nth time ay i-reborn ang blog na ito.
Ang gusto ko lang naman talaga kasing mangyari
ay magsulat.
Magpipindot sa keyboard ng aming computer na may malaking monitor.
Magsulat ng mga salitang magpapangiti at magpapaisip sa mga kaisipang walang maisip.
Ihayag ang lahat ng lalabas sa aking magulong utak.
Atsaka babasahin ng aking mata at bibigyang tunog ng aking bibig.
Kung kaaya aya pakinggan ito'y mananatili.
Ngunit kung masagwa sa pandinig ay buburahin sa ala ala at magiisip ng iba.
Pero bakit nga ba sa una lang?
Dalawang linggo ang pinakamatagal na mayat mayang pagbisita sa blog na ito.
Pagkatapos niyon ay hindi man lang maalalang tingnan kahit ang statistics ng "visitors" nito.
Ningas kugon ba ang blog?
O ang taong nagmemaitain nito?
Ikaw! O, ikaw nga?
Bakit ka ningas-kugon?
Sa una ang sipag sipag mo, pero sa isang linggo halos hindi mo na maalalang gawin?
Sa una ang ganda, pero malalaspag din.
Sa una masaya, pero sa huli mawawalan ng gana.
Hanggang sa makalimutan mo na minsan ka nga palang naging masipag at matyaga sa ginagawa mo.
Ah teka!, bakit nga pala ikaw ang sinasabihan ko?
Ako nga pala ang may- ari ng blog na to.
Oo nga pala.
Responsibilidad ko ang blog na ito.
Nasa akin ang lahat ng karapatan kung anu man ang gagawin ko sa blog na to.
Kaya bakit ka ba nakikialam?
blog ko nga to diba?
Kumbinsido ka na ba sa sinabi ko sa 2nd stanza?
At ito nga ang sintemyento ko sa mismong oras na to.
Nang maupo ako dito, hindi ito ang nasa isip ko.
Basta na lang dumaloy ang mga salita na lumalabas sa magulo kong isip.
Kahit ako man, ay naguguluhan sa aking mga pinagsasabi.
Ang mahalaga ito'y aking nailabas.
Nagpasaya sa aking isipan at sana'y pati na din sayo.
Ganoon lang.
Ganun lng.
Sana ay patuloy kang magbasa.
Ng kahit ano, sa kahit saan.
Huwag mong hayaan na maging ningas kugon ka.
Magigin mas masaya, kung hanggang huli ay masaya ka.
0 comments:
Post a Comment