Sige na naman !!!
Ang hirap talaga ng buhay sa Pilipinas. Ang hirap makahanap ng pera. Kapag wala kang pera, hindi ka makabili ng pagkain. Kapag wala kang pagkain lalo kang hindi makakilos para makahanap ng pera. Kapag hindi ka na makakilos lalo ka pang magkakasakit. Tapos wala ka pa ding pera. Sa lahat ng oras kailangan ng PERA.!
Sa simpleng college student na katulad ko, hindi din maiwasan na hindi problemahin ang pera na yan. Idadag dag pa sa santambak na project , assignments at review sa nalalapit na finals. Sa bawat galaw mo kailangan na pera. Papunta sa school - pamasahe, pag gutom - pambili pagkain, magpapaphoto copy - piso, pa-print- lima, sampu kapag may picture, pang pawi sa napapanis mong laway - dos para sa tatlo, hindi nga lang dos eh, piso isa na candy ngayon. At pati nga pala ang klase ng TF na kami ang nagbabayad. Na lagi nalang nakakastress sa tuwing darating ang examinations. Haay, pera nga naman. Ang sistema ng pera. Hindi ka pwedeng mabuhay ng hindi humahawak ng maduming pera.
Oo, katulad mo din ako. May problema sa pera. Actually hindi naman big deal sa akin ang pera (nakakalat nga lang sa amin ung supot supot ng bentsingko haha) , but it's a very big big deal ! . nalalapit na ang pagdildil ng asin kapag hindi pa ako kumilos. Read my posts... Kung merong magpapatawa sa inyo sa post ko, tumawa kayo. Kung merong magpapainis, mainis kayo. At higit sa lahat kung nakuha ang interes nyo balik balikan nyo. Wag nyo na din kalimutan iexplore ang mga aalialigid na "Ads".. Click nyo lang yun sobrang laking tuwa na nun sa akin.
Advice ko lang. Kung gusto mo din ng pera. Try mong gumawa ng blog. Hindi naman masama kung subukan. tapos mamamasyal din ako sa blog mo. Basta ibigay mo lang ang direksyon. ^_^
MAHIRAP = PERA pero PERA = YAMAN at YAMAN = SAYA therefore MAHIRAP = SAYA.. masaya maging mahirap basta ieenjoy mo ito.
“If you want to feel rich, just count the things you have that money can't buy”- source
0 comments:
Post a Comment